Mais - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pumunta sa nilalaman
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Maize
Kabilang ang mga
bulaklak
na lalaki at babae
Katayuan ng pagpapanatili
Pinakamaliit na Pag-alala
IUCN 3.1
Pag-uuring siyentipiko
Kaharian:
Plantae
Klado
Tracheophytes
Klado
Angiosperms
Klado
Monocots
Klado
Commelinids
Orden:
Poales
Pamilya:
Poaceae
Subpamilya:
Panicoideae
Henero:
Zea
Espesye:
Z.
mays
Pangalang dalawahan
Zea mays
L.
Ang
mais
Zea mays
) ay isang mataas na matabang
damo
na nagbubunga ng
butil na angkak
. Dinomestikado ito ng mga katutubo sa timog
Mehiko
noong mga 9,000 taon na ang nakalilipas mula sa ligaw na teosinte. Itinanim ito ng mga
katutubong Amerikano
kasama ang priholes at
kalabasa
sa polikulturang Tatlong Magkakapatid na Babae. Nagdudulot ang madahong tangkay ng halaman ng mga lalaking pamumukadkad o palawit na nakakalikha ng
bulo
, at mga babaeng pamumukadkad na tinatawag na tainga. Ang mga tainga ay nagbubunga ng butil, na kilala bilang ubod (o
kernel
) o
buto
. Sa modernong komersyal na mga bariyedad, karaniwang ang mga ito na
dilaw
puti
; maaaring maraming mga kulay ang iba pang mga bariyedad.
Umaasa ang mais sa mga tao para sa pagpaparami nito. Mula sa
Palitang Kolumbiyano
, ito ang naging
pangunahing pagkain
sa maraming bahagi ng mundo, na nahigitan ng mais ang kabuuang produksyon ng
trigo
at
bigas
. Karamihan ginagamit ang mais para sa pakain sa hayop, maging bilang butil o bilang buong halaman, na maaaring itali o gawing mas malasang ensilahe. Tinatawag na matamis na mais ang mga uri ng mais na mayaman sa asukal na itinatanim para kainin ng tao, habang ginagamit ang mga uri ng mais pambukid bilang pakain sa hayop, para gawin tulad ng giniling na mais (o
cornmeal
) o masa ng mais, gawgaw na mais, sirup na mais, dinidiin para maging mantika na mais, bilang mga
inuming nakalalasing
tulad ng wisking
bourbon
, at bilang mga kemikal na panggatong kabilang ang etanol at iba pang mga
biofuel
Mga pangalan
baguhin
baguhin ang wikitext
Hinango ang pangalang
mais
maize
sa anyong
Kastila
na
maíz
ng Taíno na
mahis
Ginamit ng
botanikong
Suweko
na si
Carl Linnaeus
ang karaniwang pangalan ng
maize
bilang epitetong espesye sa
Zea mays
Mas ninanais ang pangalang
Maize
sa pormal, siyentipiko, at internasyonal na paggamit bilang karaniwang pangalan dahil partikular itong tumutukoy sa isang butil na ito, hindi tulad ng ibang tawag, na may kumplikadong iba't ibang kahulugan na nag-iiba depende sa konteksto at heyograpikong rehiyon.
Karamihan sa mga bansa ay pangunahing gumagamit ng terminong
maize
, at sa
Ingles
, tinatawag itong
corn
na pangunahing ginagamit sa
Estados Unidos
at ilang iba pang mga bansang nagsasalita ng Ingles.
Sa mga bansang Ingles pangunahing gumagamit ng terminong
maize
, ang salitang "
corn
" ay maaaring tumukoy sa anumang pananim na
angkak
, na nag-iiba depende sa
heograpiya
na may lokal na
pangunahing pagkain
tulad ng
trigo
sa
Inglatera
at
abena
sa
Eskosya
at
Irlandes
Ang paggamit ng
corn
para sa
maize
ay nagsimula bilang isang pagpapaikli ng "
Indian corn
" noong ika-18 dantaon sa
Hilagang Amerika
Sa
Tagalog
, tinatawag itong "mais" na hango sa Kastilang "
maiz
", at binabaybay ng ganito alinsunod sa
ortograpiyang Filipino
Itinuturing ng mga internasyonal na grupo tulad ng
Center for Agriculture at Bioscience International
(Sentro para sa Agrikultura at Internasyunal na Biyosiyensa) ang mais na karaniwang pangalan.
Ginagamit ang salitang
maize
ng
FAO
ng
Mga Nagkakaisang Bansa
10
at sa mga pangalan ng
International Maize and Wheat Improvement Center
(Sentrong Pandaigdigan sa Pagpapabuti ng Mais at Trigo) ng
Mehiko
, ang
Indian Institute of Maize Research
(Institutong Indiyano ng Pananaliksik ng Mais),
11
ang
Maize Association of Australia
(Asosasyon ng Mais ng
Australya
),
12
ang
National Maize Association of Nigeria
(Pambansang Samahan ng Mais ng
Nigeria
),
13
ang
National Maize Association of Ghana
(Pambansang Samahan ng Mais ng
Ghana
),
14
ang
Maize Trust of South Africa
(Tiwalang Mais ng
Timog Aprika
),
15
at ang
Zimbabwe Seed Maize Association
(Asosasyong Punlang Mais ng
Zimbabwe
).
16
Istraktura at pisyolohiya
baguhin
baguhin ang wikitext
Ang mais ay isang mataas damong taunan na may iisang tangkay, mula sa
1.2 metro (4
tal)
hanggang
4 metro (13
tal)
ang taas.
17
Umusbong ang mahabang makitid na dahon mula sa mga alimpuso o buko, salit-salitan sa magkabilang panig sa tangkay.
17
Monoiko ang mais, na may hiwalay na lalaki at babaeng bulaklak sa iisang halaman.
17
Nasa tuktok ng tangkay ang lambo, isang pamumukadkad ng mga lalaking bulaklak; naglalabas ang kanilang mga anter ng polen, na ikinakalat ng hangin.
17
Tulad ng ibang polen, isa itong alerheno, subalit nahuhulog karamihan sa loob ng ilang metro ng lambo at pangkalahatng limitado ang panganib sa mga manggagawang nasa
bukid
18
Unang nakikita ang babaeng pamumukadkad, doon sa pababa sa tangkay mula sa lambo, bilang isang sutla, isang bigkis ng malambot na buhok na malatubo, isa para sa karpelo sa bawat babaeng bulaklak, na nagiging
kernel
o butil (madalas na tinatawag na buto. Sa
botanika
, tulad sa lahat ng damo, isa itong
prutas
, na pinagsama sa balat ng binhi upang bumuo ng isang kariyopside
19
) kapag nakaroon ng
polinisasyon
ito.
17
Ang isang buong babaeng pamumukadkad ay nabubuo sa isang tainga o busal ng mais, na nababalot ng maraming madahong patong o mga talukap.
17
Ang dahong tainga ay ang dahon na pinakamalapit na nauugnay sa isang partikular na tumutubong tainga. Nag-aambag ang dahon na ito at ang nasa itaas nito ng mahigit tatlong sangkapat ng
karbohidrato
gawgaw
) na pumupuno sa butil.
20
Ang mga butil ay karaniwang
dilaw
puti
sa mga modernong uri; kabilang sa ibang kulay ng ibang uri ang
kahel
pula
kayumanggi
bughaw
lila
, o
itim
na butil. Nakaayos ang mga ito sa 8 hanggang 32 na hanay sa paligid ng busal; maaaring magkaroon ng hanggang 1200 butil sa isang malaking busal.
21
Nakuha ng mais ang kulay dilaw mula sa mga karatenoide; nagkakaroon ng mga pulang mais dahil sa antosiyanina at plobapeno; at nagiging kahel at
luntian
ang ibang uri dahil maaaring mayroon itong mga kumbinasyon ng mga pigmento na ito.
22
Pinagmulan
baguhin
baguhin ang wikitext
Panlabas na pilohenya
baguhin
baguhin ang wikitext
Ang
henero
ng mais na
Zea
ay medyo malapit na may kaugnayan sa sa sorgo, parehong nasa kladong PACMAD ng mga damo sa
Lumang Mundo
, at mas malayo sa
bigas
at
trigo
, na nasa iba pang pangunahing grupo ng mga damo, ang kladong BOP. Malapit ito na nauugnay sa
Tripsacum
, na
gamagrass
o damong gama.
23
(Bahagi
ng
Poaceae
Kladong
BOP
iba't ibang damo, hal.
fescue
ryegrass
Hordeum
(sebada)
Triticum
(trigo)
Oryza
(bigas)
Kladong
PACMAD
Pennisetum
fountaingrasses
Sorghum
(sorgo)
Tripsacum
gamagrass
Zea
Zea mays
(maize o mais)
ibang espesyeng
Zea
(mga teosinte)
Produksyon
baguhin
baguhin ang wikitext
Pinakamalalaking prodyuser ng mais
noong 2020
Bilang sa milyong tonelada
1.
Estados Unidos
360.3
31%)
2.
Tsina
260.7
22.43%)
3.
Brasil
104
8.95%)
4.
Arhentina
58.4
5.02%)
5.
Ukranya
30.3
2.61%)
6.
Indiya
30.2
2.6%)
7.
Mehiko
27.4
2.36%)
8.
Indonesya
22.5
1.94%)
9.
Timog Aprika
15.3
1.32%)
10.
Rusya
13.9
1.2%)
Kabuuan sa mundo
1162.4
Pinagmulan:
FAOSTAT
24
25
Ang mais ay malawakang nililinang sa buong mundo, at mas malaking bigat ng mais ang nagagawa bawat taon kaysa sa anumang iba pang butil.
26
Noong 2020, ang kabuuang produksyon ng mundo ay 1.16 bilyong tonelada, pinangunahan ng Estados Unidos na may 31.0% ng kabuuan (tingnan ang talahanayan). Nakakagawa ang Tsina ng 22.4% sa kabuuang pandaigdig.
25
Mga peste
baguhin
baguhin ang wikitext
Maraming mga
peste
ang nakakaapekto sa paglago ng mais, kabilang ang mga
inbertebrado
, damo, at pataheno.
27
28
Madaling kapitan ang mais ng maraming
sakit
sa
halaman
dulot ng mikotiko,
bakterya
, at
bayrus
. Kabilang sa mga may kahalagang ekonomiko ang mga sakit sa dahon, mga
smut
tulad ng
corn smut
(o sakit dulot ng isang uri ng mikotiko o
fungus
), mga bulok na tainga at mga bulok na tangkay.
29
Winawasak ng
northern corn leaf blight
(o pagkalanta ng dahon ng mais ng hilaga) ang mais sa buong sakop nito, habang suliranin ang
banded leaf and sheath blight
(o dahong nakabanda at pagkalanta ng upak) sa
Asya
30
31
Mga gamit
baguhin
baguhin ang wikitext
Ang mais at
cornmeal
(giniling na pinatuyong mais) ay bumubuo ng isang
pangunahing pagkain
sa maraming rehiyon sa mundo.
21
Ginagamit ang mais upang makagawa ng
gawgaw
na sangkap sa
pagkain
32
Maaring idekomposisyon at lagyan ng
ensima
ang mais upang makagawa ng sirup ng mais na mataas ang
pruktosa
, isang pampatamis.
33
Maaring paasimin at gawing dalisay ang mais upang makagawa ng wisking
Bourbon
34
Kinukuha ang mantika ng mais mula sa hermen ng butil.
35
Mga sanggunian
baguhin
baguhin ang wikitext
Contreras, A.; Ruíz Corral, J. A.; Menjívar, J.; Aragón Cuevas, F.; González Ledesma, M.; Sánchez, J. J. (2019).
"Zea mays"
The IUCN Red List of Threatened Species 2019: E.T77726273A77726310
(sa wikang Ingles).
doi
10.2305/IUCN.UK.2019-2.RLTS.T77726273A77726310.en
"maize, n. (and adj.)"
Oxford English Dictionary
(ika-Online (na) labas).
Oxford University Press
(Kailangan ng suskripsiyon o
maging kasapi ng kalahok na institusyon
.)
Ranum, Peter; Peña-Rosas, Juan Pablo; Garcia-Casal, Maria Nieves (Abril 2014).
"Global maize production, utilization, and consumption"
Annals of the New York Academy of Sciences
(sa wikang Ingles).
1312
(1):
105–
112.
Bibcode
2014NYASA1312..105R
doi
10.1111/nyas.12396
PMID
24650320
Ensminger, Audrey H. (1994).
Foods and Nutrition Encyclopedia, 2nd ed
(sa wikang Ingles). CRC Press. p.
479
ISBN
978-0-8493-8980-1
The word "maize" is preferred in international usage because in many countries the term "corn", the name by which the plant is known in the United States, is synonymous with the leading cereal grain; thus, in England "corn" refers to wheat, and in Scotland and Ireland it refers to oats.
McLellan Plaisted, Susan (2013). "Corn". Mula sa Smith, Andrew (pat.).
The Oxford Encyclopedia of Food and Drink in America
(sa wikang Ingles) (ika-Ikalawa (na) labas). New York: Oxford University Press.
ISBN
978-0199739226
. Nakuha noong
15 Pebrero
2023
The use of the word "corn" for what is termed "maize" by most other countries is peculiar to the United States. Europeans who were accustomed to the names "wheat corn", "barley corn", and "rye corn" for other small-seeded cereal grains referred to the unique American grain maize as "Indian corn." The term was shortened to just "corn", which has become the American word for the plant of American genesis.
Espinoza, Mauricio (Abril 1, 2015).
'All Corn Is the Same,' and Other Foolishness about America's King of Crops"
(sa wikang Ingles). Ohio State University: College of Food, Agricultural, and Environmental Sciences.
Inarkibo
mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2020
. Nakuha noong
21 Setyembre
2022
"corn, n.1"
Oxford English Dictionary
(ika-Online (na) labas).
Oxford University Press
(Kailangan ng suskripsiyon o
maging kasapi ng kalahok na institusyon
.)
Mencken, H. L. (1984).
The American language
: an inquiry into the development of English in the United States
(sa wikang Ingles) (ika-Ika-4 (na) labas). New York: Alfred A. Knopf. p.
122
ISBN
0394400755
Corn, in orthodox English, means grain for human consumption, especially wheat, e.g., the Corn Laws. The earliest settlers, following this usage, gave the name of Indian corn to what the Spaniards, following the Indians themselves, had called maiz. . . . But gradually the adjective fell off, and by the middle of the Eighteenth Century maize was simply called corn and grains in general were called breadstuffs. Thomas Hutchinson, discoursing to George III in 1774, used corn in this restricted sense speaking of "rye and corn mixed." "What corn?" asked George. "Indian corn," explained Hutchinson, "or as it is called in authors, maize."
Zea mays
(maize)"
(sa wikang Ingles). CABI
. Nakuha noong
16 Setyembre
2022
"Maize"
(sa wikang Ingles). FAO
. Nakuha noong
16 September
2022
"Overview – ICAR-Indian Institute of Maize Research"
(sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa
orihinal
noong 2022-10-05
. Nakuha noong
2022-09-16
"Maize Association - Maize Association Australia"
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
16 Setyembre
2022
"The Maize Association of Nigeria honors IITA for supporting the nation's agriculture"
(sa wikang Ingles). International Institute of Tropical Agriculture
. Nakuha noong
16 Setyembre
2022
"SARD-SC Maize component supports the launch of the Ghana Maize Association"
(sa wikang Ingles). International Institute of Tropical Agriculture. 18 March 2016. Inarkibo mula sa
orihinal
noong 10 Marso 2024
. Nakuha noong
10 Marso
2024
Du Plessis, Leon.
"THE MAIZE TRUST: Custodian of the maize industry"
(sa wikang Ingles). Grain SA
. Nakuha noong
10 Marso
2024
Rusike, Joseph; Donovan, Philip A (1995). "The maize seed industry in Zimbabwe".
Development Southern Africa
(sa wikang Ingles).
12
(2):
189–
196.
doi
10.1080/03768359508439804
ISSN
0376-835X
Solaimalai, A.; Anantharaju, P.; Irulandi, S.; Theradimani, M. (2020-05-10).
"6. Growth and Development Stages"
Maize Crop: Improvement, Production, Protection and Post Harvest Technology
(sa wikang Ingles). CRC Press.
ISBN
978-1-000-17695-7
Oldenburg, Marcus; Petersen, Arnd; Baur, Xaver (2011).
"Maize pollen is an important allergen in occupationally exposed workers"
Journal of Occupational Medicine and Toxicology
(sa wikang Ingles).
(1): 32.
doi
10.1186/1745-6673-6-32
PMC
3269392
PMID
22165847
"Caryopsis"
(sa wikang Ingles). Merriam Webster
. Nakuha noong
Enero 9,
2024
"Before applying fungicides to corn: Stop! Look! Consider!"
Integrated Crop Management
(sa wikang Ingles). Iowa State University Extension
. Nakuha noong
2021-07-24
Davidson, Alan (2014). "Maize".
The Oxford Companion to Food
(sa wikang Ingles) (ika-Ika-3 (na) labas). Oxford University Press. pp.
484
–486.
ISBN
978-0-19-967733-7
Chatham, Laura A.; Paulsmeyer, Michael; Juvik, John A. (2019). "Prospects for economical natural colorants: insights from maize".
Theoretical and Applied Genetics
(sa wikang Ingles).
132
(11):
2927–
2946, and Figure 1.
doi
10.1007/s00122-019-03414-0
PMID
31451836
Gaut, Brandon S.; Le Thierry d'Ennequin, Maud; Peek, Andrew S.; Sawkins, Mark C. (2000-06-20).
"Maize as a model for the evolution of plant nuclear genomes"
Proceedings of the National Academy of Sciences
(sa wikang Ingles).
97
(13):
7008–
7015.
Bibcode
2000PNAS...97.7008G
doi
10.1073/pnas.97.13.7008
PMC
34377
PMID
10860964
"Maize production in 2017, Crops/Regions/Production Quantity from pick lists"
. United Nations, Food and Agriculture Organization, Statistics Division (FAOSTAT). 2018
. Nakuha noong
15 March
2020
"FAOSTAT"
(sa wikang Ingles). FAO.
International Grains Council (international organization) (2013).
"International Grains Council Market Report 28 November 2013"
(PDF)
(sa wikang Ingles).
"Corn Pests"
(sa wikang Ingles). Utah State University
. Nakuha noong
11 Enero
2024
Mueller, Daren; Pope, Rich, mga pat. (2009).
Corn Field Guide
(PDF)
(sa wikang Ingles). Iowa State University Extension. Inarkibo mula sa
orihinal
(PDF)
noong 11 Enero 2024
. Nakuha noong
11 Enero
2024
"Diseases and Disorders of Corn"
(sa wikang Ingles).
Province of Manitoba
- Agriculture
. Nakuha noong
11 Enero
2024
Wise, Kiersten.
"Diseasees of Corn: Northern Corn Leaf Blight"
(PDF)
(sa wikang Ingles). Purdue University
. Nakuha noong
11 Enero
2024
Juroszek, Peter; von Tiedemann, Andreas (2013).
"Climatic changes and the potential future importance of maize diseases: a short review"
Journal of Plant Diseases and Protection
(sa wikang Ingles).
120
(2):
49–
56.
doi
10.1007/BF03356454
S2CID
87234896
"Cornstarch"
. Merriam-Webster.
Inarkibo
mula sa orihinal noong 2016-03-04
. Nakuha noong
2016-05-14
European Starch Association (10 Hunyo 2013).
"Factsheet on Glucose Fructose Syrups and Isoglucose"
(sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa
orihinal
noong 3 Hunyo 2014
. Nakuha noong
29 Mayo
2024
Kiniry, Laura. "
Where Bourbon Really Got Its Name and More Tips on America's Native Spirit
".
Smithsonian.com
. Hunyo 13, 2013. (sa Ingles)
Corn Refiners Association.
Corn Oil
Naka-arkibo
2019-04-12 sa
Wayback Machine
(sa Ingles) Ika-5 edisyon. 2006
Nagmula sa "
Kategorya
Mga espesye na may pinakamaliit na pag-alala na nasa IUCN Red List
Mga artikulong may tekstong nasa wikang Taino
Pangunahing pagkain
Mga nakatagong kategorya:
Sangguniang CS1 sa wikang Ingles (en)
Articles with 'species' microformats
Taxobox articles missing a taxonbar
Mga artikulong may tekstong nasa wikang Espanyol
Pages with non-numeric formatnum arguments
Webarchive template wayback links
Mais
Bagong paksa
US